WATCH: Alamin-Libu-libong trabaho sa abroad na puwedeng aplayan

Nagbukas ng libu-libong trabaho ang mga bansang New Zealand, Taiwan, at Japan na maaaring aplayan ng mga Pilipino na gustong mag-abroad, ayon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

Sinabing mahigit 30,000 trabaho ang bukas para sa mga nurses, caregivers, engineers, architects, teachers, at construction workers sa New Zealand.

May 80 bagong job orders naman sa Taiwan para sa mga technicians, bakers, cooks, food analyst inspectors, machine operators at construction workers.

Health at agricultural workers naman ang kailangan sa Japan na mayroong 80,000 job orders.

Paalala naman ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na nais mag-aplay, mag-ingat laban sa mga manloloko at illegal recruiters.

Maaaring bisitahin ang www.poea.gov.ph para makita ang listahan ng mga trabahong maaaring aplayan.