Nagsagawa ng ‘freedom ride’ ang mga siklista laban sa iligal na droga  

Umabot sa mahigit 3,000 siklista ang umokupa sa mga kalsada ng Metro Manila para sa “Freedom Ride” upang ipanawagan ang kalayaan sa iligal na droga.

Alas-6 ng umaga nang umarangkada ang mga siklista mula sa Katigbak Drive sa Roxas Boulevard na dumaan sa mga pangunahing kalsada ng Maynila, Makati, Mandaluyong, Pasig at Quezon City patungo sa Camp Crame.

Gusto kasi nilang ipakita sa komunidad kung gaano kalaki ang pwersa ng mga nagkakaisa laban sa iligal na droga.

160 bike clubs ang sumali sa aktibidad, bukod pa sa 500 mga pulis.