PANOORIN: Nakitang patay ang isang 21-anyos na babae at hinihinalang ginahasa pa

Natagpuan sa tubuhan ang bangkay ng isang 21-anyos na dalaga sa Escalante City sa Negros Occidental. May sugat sa ulo ang biktima at walang saplot pang-ibaba nang makita.

Nitong Biyernes, sinabi base sa imbestigasyon ng pulisya, Miyerkules ng gabi nang lumabas ng bahay ang biktima para magpa-“load” pero hindi na nakauwi.

Nakita na lang kinabukasan ang kaniyang bangkay sa tubuhan na hindi kalayuan sa kanilang bahay.

Napatay naman ng mga awtoridad ang suspek sa krimen nang manlaban at magpaputok umano ng baril nang aarestuhin sa isinagawang follow-up operation ang mga pulis.