Patay ang isang binatilyo matapos umanong manlaban sa pulis sa Davao

Patay ang isang binatilyo na pinaghihinalaang tulak matapos umano manlaban sa pulis sa isang buy-bust operation sa Barangay 32-D, Davao City Sabado ng madaling araw.

Kinilala ang nasawi na si John Rener De Jesus, 19 anyos.

Ayon kay Chief Insp. Ronald Lao, hepe ng Talomo police, bumunot ng baril mula sa kanyang bag si De Jesus at nagpaputok nang siya’y aarestuhin matapos ang transaksiyon sa pulis.

Nagresulta ito sa engkwentro kung saan tinamaan sa iba’t ibang bahagi ng katawan si De Jesus.

Nakuha sa suspek ang isang bundle ng marijuana na nagkakahalaga ng P15,000, 10 pakete ng marijuana, revolver, at basyo ng bala.

Ayon sa pulisya, mula Talomo district ay ibinabagsak ni De Jesus ang mga marijuana sa Quezon Boulevard.